^

Bansa

Pinamiling regalo at Pamasko, nilimas ng ‘Bukas Kotse’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natangay ng mga hindi nakilalang kawatan na “Bukas Kotse Gang” ang mga pinamiling Pamasko at panregalo ng isang pamilya na iniwan sa loob ng kanilang kotse habang nakahimpil sa isang pay parking malapit sa isang sikat na mall sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Wala nang nagawa sina Minerva Almalvez, nasa hustong gulang, kundi iulat sa Pasay City Police ang naganap na pagnanakaw sa isa sa pay parking area sa may Pres. Diosdado Macapagal Boulevard.

Ayon kay Almalvez, namili sila ng mga panregalo at mga Pamasko na rin ng kanilang pamilya sa sikat na mall at natapos dakong alas-9 ng gabi. Dahil sa nagutom, nagpasyang kumain muna sa isa sa mga restoran sa Macapagal Boulevard ang pamilya at ipinarada ang kanilang Toyota Tamaraw FX sa isang pay parking.

Matapos makakain at balikan ang kanilang sasakyan ay laking gulat nila nang hindi na naka-lock ang mga pintuan nito at nawawala na ang kanilang mga pinamiling gamit na nagkakahalaga ng higit P8,000 maging ang isang smart phone na may halagang P40,000.

Inireklamo ng pamilya ang nangyari sa pamunuan ng pay parking ngunit wala umanong pana­nagutan ang pamunuan ng parking area dahil sa kasunduan na isinasaad sa kanilang parking tiket.

Ayon kay PO2 Christopher Nero ng Pasay City Police, talamak ngayong Kapaskuhan ang mga pagnanakaw sa lugar dahil sa alam ng mga kawatan na marami ngayong namimili.

Hinala naman ng pamilya na posibleng may sabwatan na naganap sa mga nangyayari nakawan sa mga pay parking area habang inireklamo rin nila ang “waiver” sa mga tiket ng mga parking area kapag may nagaganap na krimen sa mga ipinaparada sa kanilang mga sasakyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with