^

Bansa

PH, Cambodia, sanib puwersa kontra fake news - Andanar

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagkasundo ang Pilipinas at Cambodia na paigtingin ang kanilang communication programs kontra fake news na siya umanong patuloy na nagiging problema sa iba’t ibang panig ng bansa. 

Ito ay matapos lumag­da sina Presidential Communication Secretary Martin Andanar at Cambodia Minister of Information Khieu Kanharith sa memorandum of cooperation. 

Sa ilalim nito, sasanayin ang kanilang mga tauhan sa larangan ng broadcast, print at online media. 

Nilagdaan ang naturang kasunduan sa Siem Reap, Cambodia. 

Ayon kay Andanar, maliban sa pagsasanay ay magkakaroon din ng palitan ng balita at impormasyon hinggil sa pulitika, ekonomiya, at kultura ng TV at radio programs. 

Dagdag pa ng kalihim, walang silver bullet na makapagpapatigil sa pagkalat ng maling impormasyon partikular na sa social media. 

Gayunman, naniniwala si Andanar na posible itong masolusyunan sa tulong ng pagkakaroon ng improvements sa social media literacy, at pagsasagawa ng public awareness.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with