^

Bansa

Pekeng Christmas lights hindi na idini-display

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na mamimili ng mga Christmas lights partikular na sa Divisoria sa panibagong modus o diskarte ng pagbebenta ng mga peke o palpak na produkto.

Sinabi ni DTI Undersecretary Ted Pascua na nadiskubre nila sa pagbisita sa Divisoria noong nakaraang linggo na marami sa mga stalls ang hindi na nagdi-display ng mga panindang Christmas lights at sa halip ay tanungan na lamang ang nangyayari.

Kapag nagtanong ang kustomer ng mas murang Christmas light ay saka kukunin ang produkto sa kanilang bodega upang ibenta. 

Sa pamamaraang ito, hindi nalalantad sa mga awtoridad ang mga palpak na produkto na maaaring magdulot ng sunog at panganib sa buhay at ari-arian.

 “Kapag ang nabili ninyo ay dalawa o tatlo sa halagang P100, sigu­rado ay hindi pasok iyon sa quality standards at maaaring maging mapanganib sa bibili,” ani Pascua.

Muli rin namang nanawagan ang DTI-Philippine Standards na bumili lamang ng mga Christmas lights na pumasa sa quality standards o iyong may Philippine Standards o Import Commodity Clearance (ICC) sticker. 

Bukod dito, kailangan ding masusing inspeks­yunin ng bibili ang label ng packaging at alamin ang pangalan ng supplier o distributor, address, trademark, boltahe at kung indoor o outdoor use ito at pinanggali­ngang bansa.

Nakapag-isyu na ang DTI ng ICC sa 28 importers na may 41 brands na hawak at PS license sa anim na manufacturers.

Nagbabala rin naman si Pascua sa mga importer na naisyuhan ng ICC stickers sa paglabag sa pagkakabit nito makaraang madiskubre nila na ilan sa mga Christmas lights sa merkado ?ay 2016 ICC stickers pa ang nakakabit. 

Pananagutin umano nila ang mga importers na natuklasan nila na lumalabag nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with