^

Bansa

Drug lords ibabalik sa Building 14

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nais ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald dela Rosa na maibalik sa New Bilibid Prisons (NBP) Building 14 ang mga drug lord.

Sinabi ni dela Rosa, na gusto niya na mabilang ang lahat ng drug lords sa national peni­tentiary sa sandaling makapuwesto na siya sa Bureau of Corrections.

Ito ay upang mabantayan na umano ng Special Action Force (SAF) ang lahat ng drug lords na sa ngayon umano ay nakakalat lang sa medium security compound tulad nina Peter Co, Sam Lee Chua.

Dahil dito kaya nagkalat din umano ang tran­saksyon ng droga sa medium security compound kaya pagdating umano ni Bato sa BuCor ay ia-account niya ang mga drug lord at ibabalik sa building 14 para hindi na sila makapagtransaksyon ng droga.

Iginiit pa ng PNP chief na dahil hindi masuhulan ng mga drug lord ang mga miyembro ng SAF kaya naghahanap sila ng paraan para mailipat sa ibang compound na hindi kontrolado ng SAF kaya ang iba ay nasa medium security compound na.

Paliwanag pa ni dela Rosa na ang paglilipat ng mga drug lord sa Building 14 ay hindi lamang magtitigil sa transaksyon ng droga kundi mahihinto din ang pagpasok ng mga cellular phones at mahihinto na rin ang transaksyon ng droga sa labas ng bilangguan.

Magugunita na noong Hulyo ay pinalipat ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang siyam na high profile inmates na idinadawit kay Sen. Leila de Lima sa umano’y illegal drug trade sa sa NBP kabilang dito sina Rico Caja, Joel Capones, Jojo Baligad, Benjamin Marcelo, Sam Lee Chua, Hans Anton Tan, Che Kit Chua, Peter Co at Vicente Sy.

Nangako naman si dela Rosa na papalitan niya ang mga SAF members kada tatlo hanggang anim na buwan sa kanilang mga puwesto.

Ang PNP chief ay magreretiro sa Enero 2018 sa edad na 56 subalit pinalawig pa ni Pangulong Duterte ang termino niya ng dalawa hanggang tatlong buwan bago tuluyang umupo sa BuCor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with