^

Bansa

Vinta nagbabanta, malakas pa kay Urduja

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa pang bagyo na mas malakas pa kay Urduja ang inaasahang papasok ng bansa ngayong linggo.

Base sa ulat na ipinarating ng PAGASA sa National Disaster and Risk Reduction Management Council (NDRRMC), ang bagong bagyo na tatawaging “Vinta” ay inaasahang papasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkules, Disyembre 20.

Sa kasalukuyan ay nasa 1,000 kilometro pa ang layo ni Vinta at inaasahang tatahakin ang southern part ng bansa at posibleng maapektuhan pa rin ang mga lugar na sinalanta ng bagyong Urduja bagamat hindi naman ito direktang tatamaan.

Ayon kay Romina Marasigan, tapagsalita ng NDRRMC, ang bagyong Vinta ay inaasahang mas malakas kaysa kay Urduja kaya pinaghahanda na nila ang iba’t ibang cluster nila para makasiguro na sapat ang kanilang mga tauhan sa sandaling manalasa ang paparating na bagyo.

Pinayuhan naman ni Marasigan ang mga nagpa-planong umuwi sa kanilang mga lalawigan ngayong papasok na linggo na maging maagap at mag-ingat para hindi na sila maabutan ng bagyo at posibleng ma-stranded sa mga lansangan at malagay sa peligro ang kanilang buhay.

Sa pinakahuling ulat naman ng NDRRMC, anim katao ang nawawala habang 19 ang sugatan sa pananalasa ng bagyong Urduja sa Kabisayaan, habang patuloy pa rin nilang kinukumpirma ang ulat na may 50 katao ang nasawi sa Biliran dahil sa landslide.

Idinagdag pa ni Marasigan na may 20,342 pamilya o 87,719 katao ang nananatili sa iba’t ibang evacuation centers habang 47 pang pamilya o 198 indibidwal ang nakikitira sa kanilang mga kamag-anak.

May mga naiulat na rin na landslides, pagtaob ng bangka at ibat ibang vehicular accidents dahil sa patuloy na pag-ulan sa Kabisayaan.

Nawalan na rin ng kuryente sa mga munisipalidad sa Sorsogon, pito sa Cebu, dalawa sa Leyte, lima sa Southern Leyte, siyam sa Eastern Samar at Northern Samar at buong lalawigan ng Biliran.

Stranded naman ang may 15,534 pasahero at 137 vessels ang kasaluku­yang stranded sa iba’t ibang port sa CALABARZON, MIMAROPA,  Bicol, Eastern at Western Visayas at NCR.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with