^

Bansa

Tao sa MM mas dumami, trapiko mas bumigat

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Tao sa MM mas dumami, trapiko mas bumigat

Nasa 25,000 tauhan naman ng ahensya ang ikinalat na sa iba’t ibang lansangan sa Metro Manila upang mamahala sa daloy ng trapiko ngunit hiniling pa rin sa mga lokal na pamahalaan partikular na sa mga barangay ang kooperasyon upang matanggal ang mga iba’t ibang uri ng obstruksyon tulad ng illegal parking na mga sasakyan at mga sidewalk vendors. Bernardo Batuigas/File

MANILA, Philippines — Halos suko na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagpapaluwag sa daloy ng trapiko makaraang aminin na mas titindi pa ang pagbubuhol nito dahil sa pagdami pa ng tao sa Metro Manila bunsod ng Kapaskuhan.

Sinabi ni MMDA Asst. General Manager Jojo Garcia na nagsisiluwasan din ngayon kasi sa Metro Manila ang mga nakatira sa mga karatig lalawigan tulad ng mga taga-Cavite, Rizal, Bulacan at Laguna upang mamili ng kanilang mga pamasko at panregalo ngayong darating na Pasko kaya mas mara­ming sasakyan ang nasa Kamaynilaan ngayon.

Nasa 20% pa umano ng mga sasakyan ang inaasahan na magpapasikip sa mga kalsada sa Metro Manila dahil sa Christmas shopping at paglalakwatsa sa mga pasyalan.

Tumatagal din ang pagsisikip ng trapiko hanggang hatinggabi dahil sa kaliwa’t kanan na mga Christmas party sa iba’t ibang lugar.

Inaasahan pa na mas lalong titindi ito sa mga araw na malapit na ang Disyembre 25 dahil sa Christmas rush o iyong mga naghahabol ng pang-regalo o Noche Buena.

Nasa 25,000 tauhan naman ng ahensya ang ikinalat na sa iba’t ibang lansangan sa Metro Manila upang mamahala sa daloy ng trapiko ngunit hiniling pa rin sa mga lokal na pamahalaan partikular na sa mga barangay ang kooperasyon upang matanggal ang mga iba’t ibang uri ng obstruksyon tulad ng illegal parking na mga sasakyan at mga sidewalk vendors.

Humingi na rin sila ng ayuda sa mall owners para magdagdag ng personnel para mapadali ang security checks sa parking areas maging pagpasok sa loob ng mall upang hindi makadagdag sa pagkaantala ng trapiko ang mahabang mga pila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with