^

Bansa

44 nabaon sa landslide

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
44 nabaon sa landslide

Sa pagtaya ni Morillo, mahigit kumulang na limang pamilya ang na­apek­tuhan sa pagguho ng lupa noong Sabado ng gabi sa Brgy. Lucsoon. File

MANILA, Philippines — Tinatayang 44 katao ang nasawi habang marami pa ang nawawala dahil sa pana­nalasa ng bagyong Urduja sa lalawigan ng Biliran.

Ayon kay Chief Ins­pector Lilibeth Morillo, ng Biliran Provincial Office, may 30 katao ang nasawi matapos mabaon nang buhay sa landslide kung saan tatlo sa kanila ang na-retrieved na.

Sa pagtaya ni Morillo, mahigit kumulang na limang pamilya ang na­apek­tuhan sa pagguho ng lupa noong Sabado ng gabi sa Brgy. Lucsoon.

Habang patuloy pa rin ang ginagawang search and rescue operation ng mga otoridad sa tinata­yang 27 katao na nabaon sa putik.

Ayon pa kay Morillo, maraming kalsada ang hindi madaanan dahil sa gumuhong mga tulay partikular na sa Caray-Caray bridge sa bayan ng Naval town na siyang pangunahing tulay na nagdudugtong sa Biliran, Leyte.

Samantalang kinumpirma naman ni Jun Basilio, ng Biliran Provincial Disaster and Risk Reduction and management Office (PDRRMO) na may 14 katao pa ang nasawi at 26 iba pa ang nawawala.

Ayon kay Basilio, na pito sa kumpirmadong nasawi ay mga residente mula sa bayan ng Naval at apat sa bayan ng Almeria.

Habang ang 15 lima sa kabuuang nawawala ay mga residente mula sa Brgy. Lucsoon sa bayan ng Naval kung saan tinatayang walong bahay ang nabaon sa nasabing landslide.

Paliwanag pa ni Basilio na ang mga residente sa Brgy. Lucsoon ay matatagpuan sa paanan ng bundok at pinayuhan na mag-evacuate bago mag-landfall ang bagyong Urduja.

Samantala, sa kasalukuyan umano ay walang suplay ng kuryente ang buong lalawigan ng Biliran at ilan din sa mga lugar ay walang suplay ng tubig na maiinom.

Bukod dito, nagkaka­ubusan na rin umano ng gasolina na gagamitin nila para sa mga sasak­yan para sa search and rescue at rehabilitation operations.

Isolated na rin umano ang kanilang lalawigan dahil sa mga nasirang tulay at mga lubog sa baha na kalsada.

Paliwanag pa ni Basilio na tanging ang maaaring lamang umanong posibleng daanan patungo sa kanilang lalawigan ay ang ruta ng Cebu-Naval-Biliran.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with