^

Bansa

Obrero arestado sa pambubugbog

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bagsak-selda ang isang 25-anyos na construction worker makaraang ireklamo sa pulisya ng kapatid nitong babae dahil umano sa pambubugbog sa kanya at sa huli’y mahulihan pa ng marijuana kamakalawa sa Caloocan City.

Himas-rehas ngayon sa Caloocan City police ang suspek na si Wadsworht Labesig, 25, ng Phase 4, Package 4, Blk 2, Lt 10, Brgy. 176, Bagong Silang ng naturang siyudad.

Base sa ulat, humingi ng tulong sa tanggapan ng Women’s and Children Protection Desk ang biktimang si Judyann Vertudazo hinggil ginawang panggugulpi sa kanya ng suspek alas-3:30 ng hapon sa naturang lugar.

Mabilis namang rumes­ponde ang mga pulis sa lugar upang imbitahan sa himpilan ang suspek at nang kanila itong kapkapan ay nakita nila mula sa bulsa nito ang isang plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Kaagad na dinakip ng mga pulis ang nasabing suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with