^

Bansa

Mangingisda nagbigti sa ‘di matukoy na sakit

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Minabuting tapusin na lang ng isang 51-anyos na mangingisda ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti nang mabigong malaman kung ano ang kanyang iniindang sakit sa kabila ng iba’t-ibang pagpapasuring ginawa sa doktor sa Brgy Davila, Pasuquin, Ilocos Norte kamakalawa.

Kinilala ni Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos norte PNP ang biktima na si Ramon Villanueva na residente rin ng nasabing lugar.

Ayon kay Corpuz, natag­puan ng mga kanayon si Villanueva sa loob ng isang piggery na nakabitin at lawit pa ang dila dakong alas alas 6:00 ng umaga.

Ayon sa mga kaanak, malaki ang hinala ng biktima na siya ay kinulam dahil sa kabila ng kanyang pag kunsulta sa iba’t-ibang doktor ay hindi pa rin nagagamot ang sari-saring pananakit na nadarama nito sa katawan hanggang nagpasya na itong magpakamatay na lang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with