^

Bansa

‘Ate Vi’ utas sa road mishap

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
�Ate Vi� utas sa road mishap

Napisak pa ang buong katawan matapos na magulungan ang biktimang si Vilma Santos, 51, vendor habang kaagad namang isinugod sa Bulacan Medical Center upang malapatan ng lunas ang kasama nitong drayber na si Fer­nando Gloria, 55 kapwa mga residente ng Brgy.Dakila sa naturang bayan. File

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang babaeng tindera na kapangalan ng beteranang aktres at kasalukuyang gobernadora ng lalawigan ng Batangas na si Vilma Santos habang sugatan ang drayber nito matapos na salpukin ng humahagibis na trak ang kanilang sinak­yang tricycle sa bahagi ng kalsada sa Brgy.Sumapang Matanda sa Malolos City Biyernes ng madaling araw.

Napisak pa ang buong katawan matapos na magulungan ang biktimang si Vilma Santos, 51, vendor habang kaagad namang isinugod sa Bulacan Medical Center upang malapatan ng lunas ang kasama nitong drayber na si Fer­nando Gloria, 55 kapwa mga residente ng Brgy.Dakila sa naturang bayan.

Kaagad namang sinampahan ng kaukulang reklamo ang nakadetineng suspek na si Ariel Salonga, 39, residente ng Brgy. Dila-Dila sa bayan ng Santa Rita sa Pampanga.

Sa imbestigasyon ni PO2 Michael Perez dakong alas 4:30 ng madaling araw habang binabaybay ng mga biktima ang kahabaan ng Mcarthur Highway sa Brgy. Sumapang Matanda lulan ng pampasaherong traysikel, pagsapit sa lugar ng insidente ay dahan-dahan itong huminto upang lumiko sa nakatalagang u-turn slot patungo sa kabilang direksyon.

Nagkataon namang parating ang humahagibis na Isuzu Dropside Truck (RJC-124) na minamaneho ng suspek saka tinumbok ang likurang bahagi ng sasakyan ng mga biktima na naging dahilan upang tumilapon ang babaeng biktima saka nagulungan ang katawan nito na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan habang kaagad ding isinugod sa ospital ng rumespondeng rescue unit ang lalaking drayber habang nawasak naman ang naturang sasakyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with