^

Bansa

Pagpapagamot ng mga maaapektuhan ng Dengvaxia pinasasagot sa Sanofi

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pagpapagamot ng mga maaapektuhan ng Dengvaxia pinasasagot sa Sanofi

Naniniwala si Sen. Risa Hontiveros na dapat ma­ging responsable ang Sanofi Pasteur matapos umamin na maaring magkaroon ng “severe case” ng dengue ang mga nabigyan ng bakuna kahit hindi pa tinatamaan ng nasabing karamdaman. AFP, File

MANILA, Philippines — Dapat sagutin ng Sanofi Pasteur ang pagpapagamot ng mga magkakaroon ng malubhang kaso ng dengue dahil sa Dengvaxia vaccine.

Naniniwala si Sen. Risa Hontiveros na dapat ma­ging responsable ang Sanofi Pasteur matapos umamin na maaring magkaroon ng “severe case” ng dengue ang mga nabigyan ng bakuna kahit hindi pa tinatamaan ng nasabing karamdaman.

Nauna rito, inimbestigahan ng Senate blue ribbon committee ang nasabing isyu matapos ang pag-amin ng Sanofi sa posibleng mangyari sa mga nabigyan ng vaccine.

Sinabi pa ni Hontiveros na dapat maging responsable ang manufacturer ng vaccine lalo na sa isyu ng “bad science”.

Samantala, muling inamin ni Hontiveros na nahirapan siyang magtanong sa hearing na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon na nabatikos ng mga netizens dahil mas mahabang oras ang nagugol niya sa pagtatanong sa mga resource persons noong nakaraang pagdinig kung saan humarap din si dating Pangulong Benigno Aquino III.

Tiniyak naman ni Hontiveros na patuloy siyang dadalo sa mga susunod na pagdinig ng komite dahil mahalagang isyu aniya ang tungkol sa kalusugan lalo na para sa mga nabig­yan ng vaccines.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with