^

Bansa

Taas pasahe sa jeep inatras

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Taas pasahe sa jeep inatras

Ito ayon kay Orlando Marquez, national president ng Liga ng Transportasyon at Opereytor sa Pilipinas (LTOP), ay dahil iniatras na nila ang kanilang P2.00 fare hike petition sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). File

MANILA, Philippines — Walang magaganap na pagtaas ng pamasahe sa passenger jeepney ngayong holiday season.

Ito ayon kay Orlando Marquez, national president ng Liga ng Transportasyon at Opereytor sa Pilipinas (LTOP), ay dahil iniatras na nila ang kanilang P2.00 fare hike petition sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). 

Sinabi ni Marquez na napagdesisyunan nilang huwag na lamang igiit ang taas pasahe ngayong holiday season upang hindi na makasabay pa sa daming gastusin ng mamamayan tuwing kapaskuhan.

Anya, sa Pebrero 2018 na lamang nila ulit isasampa ang petisyon na maitaas ng P2.00 ang pasahe sa jeep dahil naman sa patuloy na pagtaas ng halaga ng krudo sa merkado.

Sinabi ni Marquez, bukod sa price ceiling o benchmark na umabot na sa P36.00 plus per liter ang diesel umakyat na rin ang presyo ng basic at prime commodities tulad ng bigas, tinapay, cooking oil, kuryente, tubig, upa sa bahay lalo na ang presyo ng spare parts ng mga sasakyan.

Nanawagan din si Marquez sa publiko na makipag-ugnayan agad sa LTFRB kapag may nalaman na nagtaas ng pasahe sa jeep ng walang abiso mula sa ahensiya.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with