^

Bansa

Federalism isusulong pa rin ng Malacañang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Federalism isusulong pa rin ng Malacañang

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, ipagpapatuloy ng gobyerno ang pagpapain­tindi sa mga mamamayan kung bakit kinakailangan ng magbago ang porma ng gobyerno. Presidential Photographers Division/Albert Alcain, File

MANILA, Philippines — Isusulong pa rin ng Malacañang ang federa­lism kahit pa sinasabing hindi masyadong interesado dito ang mga mamamayan.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, ipagpapatuloy ng gobyerno ang pagpapain­tindi sa mga mamamayan kung bakit kinakailangan ng magbago ang porma ng gobyerno.

Mismong si Pangulong Duterte ay aminadong hindi pa handa ang mayor­ya ng mga Filipino sa federalism.

Pero sinabi ni Andanar na sinabihan siya ng Pa­ngulo na ituloy ang mga information drive para mas maintindihan ng mga mamamayan.

“Sabi niya, dapat ituloy ito, dapat ituloy ‘yung information drive para maintindihan ng ating mga kababayan,” ani Anda­nar.

Aminado rin umano ang Pangulo na kailangan na ang tulong ng media para maipaunawa sa mga mamamayan ang tungkol sa federalism.

Nauna ng napaulat na nakahanda ang Pangulo na makipagkasundo sa ABS-CBN na palagi niyang nababanatan kapalit ang pagtulong ng nasabing kompanya ng telebisyon sa pagpapaalam sa taumba­yan tungkol sa pederalismo.

Naniniwala ang Pa­ngu­lo na magkakaroon ng ka­pa­yapaan sa Mindanao kung magkakaroon ng pagbabago sa porma ng gobyerno.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with