^

Bansa

9,000 pulis idineploy sa Simbang Gabi

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
9,000 pulis idineploy sa Simbang Gabi

Daan-daang deboto ang nakiisa sa unang misa ng Simbang Gabi sa Manila Cathedral. Joven Cagande

MANILA, Philippines — Nasa 9,000 pulis ang idineploy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para magbantay sa mga malalaking simbahan sa Metro Manila kaugnay ng pagsisimula kahapon ng tradisyunal na Simbang Gabi na simula ng pagdiriwang ng kapaskuhan.

Ipinag-utos ni NCRPO Director Oscar Albayalde ang pagpapaigting pa ng police visibility sa bisinidad ng mga simbahan, shopping centers, parks at iba pang matataong lugar.

Ang Simbang Gabi  ay magtatapos sa Disyembre 24 o sa mismong bisperas ng Pasko kung saan karaniwan ng dumaragsa ang mga deboto ng Simbahang Katoliko.

Ayon kay Albayalde, nais nilang masiguro ang kaligtasan ng mga deboto laban sa posibleng pagsasamantala ng mga kawatan tulad ng mga snatchers, bag at pocket slashers, mga holdaper, salisi gang at iba pang elementong kriminal.

Kabilang sa mga sim­bahan na mahigpit na bina­bantayan ay ang Quiapo Church, Our Lady of Perpetual Help sa Baclaran, Shrine of Loreto Parish sa Sampaloc, Sto. Domingo Church sa Quezon City, Manila Cathedral; San Miguel Church at iba pa.

Kaugnay nito, iniha­yag ni Albayalde na wala munang holiday break o bakasyon ngayong ka­paskuhan ang mga pulis kaugnay na rin ng ipinatutupad na ‘full alert ‘ status ng NCRPO.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with