Urduja humihina na
MANILA, Philippines — Humihina na ang bagyong Urduja habang bumabagtas sa northern part ng Samar province.
Sa 5pm update ng PAGASA kahapon, si Urduja ay huling namataan sa bisinidad ng San Jose de Buan, Samar taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 75 kilometro bawat oras at pagbugso na umaabot sa 120 kilometro bawat oras.
Si Urduja ay kumikilos pakanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
Bunga nito, nakataas ang signal no. 2 ng bagyo sa Sorsogon at Masbate kasama na ang Ticao Islands at Romblon sa Luzon gayundin sa Northern Samar, Northern part ng Eastern Samar, Northern part ng Samar, Biliran, Antique, Aklan, Capiz at Northern Iloilo sa Visayas.
Signal no. 1 naman sa Southern Quezon, Marinduque, southern part ng Occidental Mindoro, southern part ng Oriental Mindoro Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Burias Island, Northern Palawan at Cuyo Island Calamian Group of Islands, nalalabing bahagi ng Iloilo, nalalabing bahagi ng Samar, nalalabing bahagi ng Eastern Samar, Guimaras, Negros Occidental, Northern part ng Negros Oriental, Northern Cebu at Leyte.
Patuloy ang malawakang kalat-kalat na pag-ulan sa buong Bicol Region at Visayas at inaasahang uulanin din ang Southern Quezon, Batangas, Cavite, Laguna, Mindoro Provinces, Marinduque at Romblon.
Ang mga residente sa naturang mga lugar ay pinag-iingat dahil sa mga pag-uulan na maaring magdulot ng landslides at flashfloods.
Sa Miyerkoles inaasahang lalabas na ng bansa si Urduja.
- Latest