P7.5 M nalikom ng ‘Piso Para kay Leni Movement’,ibibigay na lang sa Angat Buhay foundation
MANILA, Philippines — Matapos na ibasura ng Supreme Court, umuupong Presidential Electoral Tribunal (PET), ang petisyon ng mga tagasuporta ni vice president Leni Robredo na humihiling sa kataas-taasang hukuman na i-contribute sa counter-electoral protest ni Robredo laban kay dating senador Bongbong Marcos ang nalikom na higit P7.5 milyon, ipagkakaloob na lamang ng grupong Piso Para kay Leni Movement ang salapi sa Angat Buhay foundation.
“We plan to turn over the money to an Angat Buhay partner foundation, which will manage the money for us,” wika ni Museo Pambata founder Cristina Lim-Yuson, isa sa proponents ng inisyatiba.
Sa desisyon, tuluyang ibinasura ng PET ang motion for reconsideration ng grupo.
Nakalikom ang mga tagasuporta ng bise presidente ng mahigit P7.5 milyon sa pamamagitan ng online fundraising campaign.
Ayon pa ka Yuson, gagamitin ang nalikom na nasabing halaga sa pagsusulong ng kapakanan ng mahihirap na Pilipino na siya umanong alternative plan kung hindi mapaboran ng PET ang kanilang petisyon.
Samantala, pinayagan ng PET ang request ng mga abogado ni Robredo na palawigin ang deadline para mabayaran ni Robredo ang balanseng P7.43 milyon na kailangan para maproseso ang kontra-protesta nito laban kay Marcos. Ang Angat Buhay ay programa laban sa kahirapan ng bise presidente.
- Latest