^

Bansa

DOLE sa employers: Tamang holiday pay ibigay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasunod ng pagdiriwang ng kapaskuhan, nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employers sa pribadong sektor na sundin ang tamang panuntunan sa pasuweldo para sa Pasko, Rizal Day, at Bagong Taon.

Alinsunod sa Proclamation No. 50, Series of 2016 na pirmado ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Agosto 16, 2016 kung saan idinedeklara ang Disyembre 25 at 30, 2017, at Enero 1, 2018 bilang mga regular holiday ay naglabas ang labor department ng Labor Advisory No. 13 na nagtatakda ng tamang pasuweldo para sa mga nasabing holiday:

 Kapag ang empleyado ay hindi nagtrabaho, babayaran pa rin siya ng 100 porsyento ng kanyang suweldo para sa isang araw, gayundin ng kanyang Cost of Living Allowance [(Arawang suweldo + COLA)] x 100%]; Kapag pumasok naman ang empleyado sa trabaho, babayaran siya ng 200 porsyento ng kanyang suweldo para sa isang araw para sa unang walong oras ng trabaho, gayundin ng kanyang COLA [(Arawang suweldo + COLA) x 200%].

 Kapag ang empleyado ay nagtrabaho nang lagpas sa walong oras, babayaran siya ng karagdagang 30% ng kanyang hourly rate (Hourly rate ng arawang suweldo x 200% x 130% x bilang ng oras na tinrabaho).

 Kapag ang empleyado ay nagtrabaho at nataon na ang mga araw na ito ay kanyang day-off o rest day, tatanggap siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang arawang sahod na 200 porsiyento [(Arawang suweldo + COLA) x 200%] + [30% (Arawang suweldo x 200%)]. Sakali namang mataon na day-off ng empleyado at nagtrabaho siya ng overtime, tatanggap siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang hourly rate para sa nasabing araw (Hourly rate ng arawang suweldo x 200% x 130% x 130% bilang ng oras na tinrabaho).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with