^

Bansa

4 na mayor sa Southern Luzon, tinanggalan ng kontrol sa pulisya

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat  na mayor ng Southern Luzon ang tinanggalan ng supervisory at control powers sa kani-kanilang mga kapulisan dulot ng diumano’y kinasasangkutang ilegal na aktibidad katulad ng sa droga at iba pang grave offenses.

Ayon kay officer-in-charge Catalino Cuy ng Department of Interior and Local Government, isa si Lucena City Mayor Roderick Alcala ng lalawigan ng Quezon ang inalisan ng police powers sa ilalim ng  Napolcom Resolution 2017-611.

Kabilang pa sa listahan ng tinanggalan ng police powers ay ang mga alkalde ng Bay at Los Baños ng Laguna at Ibaan, Batangas.

Sa ipinalabas na Resolution 2017-611 noon Disyembre 11, pinangalanan sina Mayor Juan Toreja ng Ibaan, Bruno Ramos ng Bay, at Ceasar Perez ng Los Baños  na kabilang sa mga naalisan ng kapangyarihan na pamunuan ang kani-kanilang kapulisan.

Sa ilalim ng batas, ang Napolcom ay may kapangyarihan kastiguhin ang sinumang lokal na opisyal na masa­sangkot sa ilegal na droga at iba pang pagkakasala, kasama na ang madalas at walang pahintulot na pagliban sa trabaho.

Isinasangkot si Maya Alcala sa operasyon ng illegal drugs ng kanyang tiyo na si Cerilo ‘Athel’ Alcala, na ayon sa PNP ay isang top drug lord sa Quezon.

Samantala, ayon kay Mario Guanzon, abogado at direktor ng DILG Public Affairs and Communications Service, may mga lokal na opisyal na sangkot sa kalakaran ng iligal na droga ang umaapela na maalis ang kanilang mga pangalan sa listahan ng Napolcom.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with