^

Bansa

NBI pasok sa imbestigasyon sa mag-inang pinatay sa Cavite

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iniutos  ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng parallel investigation kaugnay ng pagpatay sa mag-inang Ruby at Shaniah Nicole Gamos ng General Trias Ca­vite. Base sa nilagdaang department order,  gusto ni Aguirre na palakasin ng NBI ang case build-up, tuntunin at papanagutin ang mga nasa likod ng karumal-dumal na krimen.  

Matatandaan na noong Lunes ay natagpuang wala ng buhay sa loob ng kanilang bahay sa Keningsone, Brgy. Navarro sa General Trias Cavite ang mag-inang sina Ruby Gamos, 34-anyos at ang 7-taong gulang na anak na si Shaniah Nicole. 

Sa awtopsiya,   na­matay ang ina dahil sa traumatic injuries sa ulo habang asphyxia by suffocation naman ang ikinamatay ng bata na pinaniniwalaang dinaganan ng unan sa mukha. Tinitignang motibo sa krimen ang pagnanakaw dahil nawawala ang cellphone at alahas ng mga biktima habang  natagpuan na sa tapat ng isang sementeryo sa Imus, Cavite ang pulang Toyota wigo ng pamilya Gamos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with