^

Bansa

Malakanyang sa mga kritiko: ‘Pessimistic thinking’ huwag pairalin

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umapela ang Malakanyang sa mga kritiko ng Administrasyon na huwag pairalin ang ‘pessimistic thinking’ sa harap na rin ng hindi na mapipigilan pang martial law extension sa Mindanao.

Sabi kasi ng oposisyon, maituturing na isang prelude ang pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao at sa bandang huli’y ipatupad na rin ito sa buong bansa.

Ayon kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar, mas maiging ang tingnan muna ngayon ay kung paano positibong masosolusyonan ang problema sa Mindanao.

Sa sandali naman aniyang maresolba ang dapat na ayusin sa rehiyon, wala na namang pangangailangan pang ikunsidera ang pinanga­ngambahan ng iilan na baka ipatupad ang martial law sa buong bansa.

Kaugnay nito ay binigyang-diin ni Andanar na wala namang dahilan para katakutan ang martial law gayung sa mga nagdaang buwang ipinatupad ito sa Mindanao, wala namang anomang reklamo ng pang-aabuso laban sa mga sundalo.

Sa katunayan, marami ang nagpahayag ng pagpabor sa batas militar pati ang ekonomiya sa Mindanao ay tuloy ang paglago dahil sa mahigpit ngunit maayos na seguridad sa nasa­bing rehiyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with