^

Bansa

Bagong terrorist group, binabantayan ng AFP

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy na binabantayan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang galaw ng grupo ni alyas Abu Toraife na pinaniniwalaang pumalit sa napaslang na terro­rist leader na si Isinilon Hapilon na umano’y patuloy ang recruitment sa Mindanao para palakasin ang kanilang puwersa, ayon kay AFP acting spokesman Col. Edgar Arevalo.

Sinabi ni Col. Arevalo sa media briefing sa Malacañang, tinatayang mayroon na lamang 22 na miyembro ang grupo ni Toraife kaya patuloy ang recruitment nito mula sa remnants ng Maute group sa Marawi City at ibang lugar kung saan ay halos mga kabataan ang kanilang hinihikayat.

“We have monitored recruitment activities of remnants of the Maute group and the youths are their target and offering money to their recruits,” paliwanag pa ni Col. Arevalo.

Siniguro rin ng AFP official na patuloy na binabantayan ng mili­tar ang pailalim na pagkilos ng mga terrorist group at hindi nila hahayaang makapagpalakas muli ng kanilang hanay para sa teroristang gawain.

Sinabi ni Arevalo na hindi rin hahayaan ng liderato ng AFP na umabuso at lumabag sa karapatang pantao ang kanilang mga tauhan habang umiiral ang Martial Law sa Mindanao. Aniya, kapag napatunayan na umabuso ang mga sundalo gaya ng mga alegasyon ay papatawan sila ng karampatang parusa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with