^

Bansa

Ex-PNoy ‘di na iimbitahin sa susunod na hearing

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala nang balak si Senator Richard Gordon na imbitahin si dating Pa­ngulong Benigno Aquino III sa susunod na pagdinig ng Senate blue ribbon committee tungkol sa Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Gordon, hindi na niya kailangan ang testimonya ni Aquino sa susunod na pagdinig at inirerespeto niya ang da­ting Pangulo sa pagsipot sa hearing kamakalawa.

Samantala, itinanggi ni Gordon ang banat sa kanya ng mga netizens na hindi nabigyan ng pagkakataon na makapagtanong sa pagdinig ang ibang senador.

Hindi umano niya na-monopolize ang pagdinig at pinuna rin nito na pre­sent lahat ang mga senador na kakampi ni dating Pangulong Aquino sa hearing katulad nina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senators Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros at Bam Aquino.

Ayon naman kay Se­nator Risa Hontiveros, nahirapan silang magtanong dahil halos hindi sila na­bigyan ng pagkakataon.

Humarap kamakalawa sa pagdinig ang dating Pangulo kung saan halos si Gordon lamang ang nagkaroon ng mahabang oras na magtanong sa mga resource persons na umani naman ng batikos sa social media.

Sinabi pa ni Hontiveros na dapat ay nabigyan ng pagkakataon ang ibang senador na mag-parti­cipate at nabigyan din ng pantay na oras para magtanong. Ipinaalala niya na isang collegial body ang blue ribbon committee.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with