^

Bansa

Martial law sa buong bansa ‘di pa napapanahon – AFP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Martial law sa buong bansa �di pa napapanahon � AFP

Sinabi ni Gen. Rey Leo­nardo Guerrero na hindi niya nais pag-usapan ang posibleng pagrerekomenda ng militar kung marapat bang ipatupad ang martial law sa buong bansa. File

MANILA, Philippines — Hindi pa napapanahon para isailalim sa martial law ang buong bansa kaugnay ng determinadong hakbangin na masupil ang New People’s Army (NPA) terrorists at iba pang mga grupong banta sa pambansang seguridad.

Ito ang inihayag kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Rey Leo­nardo Guerrero kasunod sa pangambang pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa buong bansa.

Sinabi ni Guerrero na hindi niya nais pag-usapan ang posibleng pagrerekomenda ng militar kung marapat bang ipatupad ang martial law sa buong bansa.

Ginawa ni Guerrero ang pahayag matapos na aprubahan noong Miyerkules ng joint session sa Kongreso ang 1-taong extension ng martial law sa buong rehiyon ng Mindanao. 

Aminado si Guerrero na ang pagpapatupad ng martial law sa buong bansa ay nakadepende sa sitwasyong pulitikal  at kung magiging bayolente ang mga grupong banta sa seguridad sa pangunguna ng NPA terrorists.

“Kung magiging violent sila, siguro the answer is obvious,” anang opisyal.

Kaugnay naman sa umiiral na martial law sa Mindanao, sinabi ni Guerrero na makakaasa ang taumbayan na sisikapin ng tropa ng militar na wala silang magiging paglabag sa karapatang pantao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with