^

Bansa

Nakararaming Pinoy umaasa na bubuti ang kanilang buhay sa 2018

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mayorya ng mga Filipino ang umaasa na bubuti ang kanilang buhay sa pagpasok ng 2018, ayon sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS).

Batay sa Third Quarter 2017 SWS survey, 47 porsyento ng Filipino adult respondents ang nagsabing positibo sila na bubuti ang kanilang buhay, habang 4 porsyento lang ang inaasahang lalala ang antas ng kanilang buhay sa susunod na taon.

Sa kabuuan, +42 ang personal optimism score na naitala sa naturang survey ng SWS sa 3rd quarter ng 2017. Mas mataas ito ng dalawang puntos kung ikukumpara sa +40 net personal optimism score na naitala noong Hunyo 2017.

Nabatid na magmula noong Disyembre 2015, nananatiling “excellent” ang net personal optismism, maliban na lamang noong Marso 2017 kung saan naitala ang “very high +36,” ayon sa SWS. Samantala, 43 porsyento naman ng mga Pilipino ang nagsabi na nakikita nilang bubuti ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na taon, habang 12 porsyento lamang ang nagsabi na ito raw ay bubulusok. Dahil dito, +30 ang net optimisim para sa ekonomiya na mas mataas ng tatlong puntos sa +27 noong Hunyo 2017.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with