Noy, Garin kinasuhan ng mass murder, plunder
MANILA, Philippines — Kinasuhan ng “mass murder” at “plunder” kahapon sa tanggapan ng Ombudsman laban kina dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Health Secretary Janette Garin kaugnay ng ginawang pagbili ng nagdaang administrasyon sa P3.5-bilyong halaga ng Dengvaxia vaccines.
Sa kanyang 8-pahinang reklamo, sinabi ni dating Education and Skills Development chief Augusto Syjuco Jr. na “illegal, unjust, improper, inefficient, life-threatening at outright unconscionable” ang mass vaccines na binili ng administrasyong Aquino.
Ginamit pa ni Syjuco ang apat na clip arts na kasama na ang imahe ng ghostface sa Hollywood movie na Scream, isang lighting bolt at mga matsing (monkey).
“Its life-threatening effects supposedly transpire 30 months after inoculation which is now fast approaching since Aquino [who is] irresponsible, demented started its dreaded and reckless usage on 733,000 nine-year-olds and older as human guinea pigs,” pahayag ni Syjuco.
Aniya, bagama’t ang naisampang kaso ay batay lamang sa 22 news article na kanyang hawak, naniniwala siyang malaki ang pagkukulang ng dating Pangulo at Garin sa pagtupad ng kanilang tungkulin kaya’t nagkaroon ng Dengvaxia mess.
Hiniling nito sa Ombudsman na imbestigahan ang nasabing isyu pero inamin nito na wala siyang hawak na pruweba na magdidiin kina Aquino at Garin.
Magugunita na si Syjuco rin ang nagsampa ng kaso laban kay Aquino kaugnay sa Mamasapano incident na ikinasawi ng SAF 44 noong 2015.
- Latest