PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Signal No. 2 sa Samar provinces, Biliran kay ‘Urduja’

MANILA, Philippines – Patuloy na pinag-iingat ang mga residente ng Eastern Visayas partikular ang Samar provinces dahil sa banta ng bagyong “Urduja.”

Mabagal ang paggalaw ng bagyo na huling namataan ng PAGASA sa 240 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar kaninang alas-10 ng umaga.

Taglay ni Urduja ang lakas na 75 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 90 kph.

Lalong bumagal ang paggalaw ng ika-21 bagyo ngayong taon sa 5 kph.

Dahil sa mabagal nitong paggalaw ay bukas pa inaasahang tatama sa kalupaan ng Northern Samar – Eastern Samar ang bagyo bukas ng umaga o ng hapon.

Isinailalim sa tropical storm warning signal number 2 ang mga lalawigan ng Northern Samar, Eastern Samar, Samar, at Biliran.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Signal number 1 naman ang Leyte, Southern Leyte, Northern Cebu, Capiz, Aklan, at Northern Iloilo.

Maliban sa mga nabanggit na lugar, asahan din ang pag-ulan sa Caraga at Bicol Region, ayon pa sa state weather bureau.

Forecast Positions:         

24 Hour (Saturday morning): 110 km Northeast of Borongan City, Eastern Samar(12.2°N, 126.2°E)

48 Hour (Sunday morning):In the vicinity of Calbayog City, Samar(12.3°N, 124.5°E)

72 Hour (Monday morning): 110 km Northeast of Cuyo, Palawan(11.4°N, 121.8°E)

96 Hour (Tuesday morning):100 km North of Puerto Princesa City, Palawan(10.6°N, 118.6°E)

120 Hour (Wednesday morning):345 km West of Puerto Princesa City, Palawan(9.7°N, 115.6°E)

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: