^

Bansa

DENR gawing ‘visitor friendly’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umapela ang isang grupo ng mga environmentalist sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para gawin ang mga opisina nito sa buong bansa na isang “visitor friendly” na tanggapan para sa mga lehitimong taxpayers na nangangailangan ng serbisyo publiko.

Ayon kay Clean Air Philippines Movement, Inc. (CAPMI) president Manuel J. Galvez, nananawagan sila kay DENR Secretary Roy A. Cimatu “na bigyan ng prayoridad ang mga lehitimong bisita ng DENR, na mga taxpayers din, para makapasok sa DENR at Environmental Management Bureau (EMB) central offices para sa mga serbisyong kailangan nila sa kagawaran. 

Lumilitaw na  marami ang mga reklamo hinggil sa mga aroganteng DENR- EMB security guards na nagtataboy para payagan maka-parking sa DENR compound ang mga lehitimong bisita ng kagawaran sa mababaw na dahilan na nakareserba ang lahat ng mga parking slots doon para lang sa mga empleyado ng DENR at EMB. 

“Ang mga empleyadong ito ng DENR at EMB ay mga public servants. Dapat isapuso nila na ang trabaho nila ay isang pribilehiyo na binigay sa kanila ng gobyerno upang magkapaglingkod sila sa ating mga kababayan,” anang mga nagrereklamo.

Dapat aniyang iprayoridad nila ang convenience at comfort ng mga kababayan natin na sinisilbihan nila higit pa sa mga personal na comfort at convenience ng mga taga DENR at EMB. Anila, nagiging simula ng korupsiyon ang pagkuha ng clearance kung saan pinaghihintay ang mga aplikante.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with