^

Bansa

Tanod umawat sa gulo, inutas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kamatayan ang sinapit ng 47-anyos na barangay tanod na umaawat lamang sa away ng mga kabataan matapos itong pagsasaksakin sa Purok-2, Barangay San Antonio sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamaka­lawa ng hapon.

Napuruhan ng saksak sa katawan ang biktimang si Reynaldo Cezar na sinubukan pang isugod sa Camarines Norte Provincial Hospital subalit idineklarang patay. Umawat din si Jojie Caparas subalit sinaksak din siya ng suspek na si Ricky “Bingot” Camara, 23, ng nasabing barangay.

Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, dakong alas-4:30 ng hapon nang magkaroon ng gulo sa pagitan ng suspek at ilang kabataan.

Pumagitna si Reynaldo at inawat si Camara pero minasama ito ng suspek saka umuwi.

Gayunman, bumalik ang suspek na armado ng kutsilyo at pinagsasaksak ang barangay tanod.

Nakita naman ni Caparas ang pananaksak kaya tumakbo ito para umawat subalit naging siya ay pinagsasaksak ng suspek.

Naaresto naman ang suspek ng mga barangay tanod na rumes­ponde.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with