Pinoy hindi pa handa sa Federalism
MANILA, Philippines — Aminado si Pangulong Duterte na hindi pa handa ang mga Pilipino para sa isinusulong na Federalism.
Ayon sa Pangulo, ang pagkakaroon ng pederalismo ang tamang formula upang malutas ang problema sa Mindanao.
“Federalism is the right formula to solve the problem in Mindanao, which stemmed from historical injustice. If not, then everyone will suffer,” wika pa ni Pangulong Duterte.
“The problem is I think the Filipinos are not ready for a federal type. It doesn’t seem to ring a bell in the Visayas and Mindanao,” dagdag pa ng Pangulo.
Nagbanta din ang chief executive na kapag bumagsak ang usapang pangkapayapaan sa MILF at MNLF ay baka maging sanhi ito ng malaking problema.
“Media would be busy covering a “terrible situation” if it happens, citing the influx of ISIS fighters. MI, MN, ayaw talaga nila ng gulo... Ito sila gusto na rin nila magpahinga sa away,” dagdag pa ng Pangulo.
Bagama’t naninindigan ang Pangulo na pabor pa rin siya sa pagsusulong ng federalism ay suportado niya ang bagong Bangsamoro Basic Law sa Kongreso na kanyang ipinangako sa kanyang pagdalaw nitong Nov. 27 sa Maguindanao.
- Latest