^

Bansa

NDRRMC umalerto kay ‘Urduja’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umalerto na kahapon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaugnay ng nagbabad­yang pagtama sa bansa ng bagyong Urduja.

Kahapon, pinangunahan ni NDRRMC Executive Director at Civil Defense Administrator Undersecretary Ricardo Jalad ang emergency meeting sa Camp Aguinaldo na dinaluhan ng mga opisyal ng mga ahensya ng pamahalaan.

Sinabi ni Jalad na nasa ‘blue alert” na ang NDRRMC matapos na pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Urduja na mananalasa sa Visayas Region.

Samantala, binabantayan din ang Mt. Kanlaon sa magiging epekto ng malakas na pag-ulan dulot ng bagyong Urduja kung saan nakahanda na ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan kaugnay ng pagtama nito sa kalupaan.

Ayon sa PAGASA, ina­asahang magla-landfall ang bagyong Urduja sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga sa Eastern Visayas na maaring magdulot din ng matinding epekto sa Metro Manila sa matitinding mga pag-ulan.

Kabilang sa mga lugar na magkakaroon ng mga malalakas na mga pag-ulan ay ang Northern Mindanao, Eastern Visayas at ilang bahagi ng Mindoro, Romblon.

Nagpayo rin ang opis­yal na iwasan muna ang pagbiyahe lalo na kung tatawid ng dagat dahil tiyak na magiging malakas ang mga pag-alon.

Bukod kay Urduja ay maryoon ding panibagong bagyo na parating sa Dis­yembre 24, o bisperas ng Pasko.  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with