^

Bansa

Tour of duty ni Bato pinalawig ni Digong

Pilipino Star Ngayon
Tour of duty ni Bato pinalawig ni Digong

Ayon sa Pangulo, may dapat pang tapusin si Gen. dela Rosa sa PNP kaya binigyan niya ito ng 3 months extension pa. PNP PIO, File

MANILA, Philippines — Pinalawig pa ni Pangulong Duterte ng tatlong buwan ang termino ni PNP chief Gen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Inihayag ito ng Pangulo sa media interview kahapon sa Philippine Army headquarters sa Taguig City.

Ayon sa Pangulo, may dapat pang tapusin si Gen. dela Rosa sa PNP kaya binigyan niya ito ng 3 months extension pa.

“May ilipat ako at may gawin akong mga kampong mga bago,” sabi ni Duterte.

Nakatakdang magretiro si dela Rosa sa Enero 21, 2018 matapos maabot ang mandatory retirement age na 56.

Ayon pa sa Pangulo, matapos ang termino ni dela Rosa sa PNP ay uupo na ito bilang hepe ng Bureau of Corrections (BuCor).

Nauna rito ay kinumpirma ng Pangulo na kapag nagretiro si Bato ay ilalagay niya ito bilang director ng BuCor.

Una nang sinabi ni dela Rosa na may nakalaan ng puwesto sa kaniya si Pangulong Duterte kaugnay ng kaniyang pagreretiro.

“He is my boss (Du30) ever since and he will be my boss forever. So hindi ako puwede na aayaw sa pagpapatrabaho niya sa akin,” ani dela Rosa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with