PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bato sa BuCor

MANILA, Philippines – Sa nalalapit na pagreretiro ni Philippine National Police Director General Ronald “Bato” dela Rosa, inihanda na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglilipatan niya.

Itinalaga ni Duterte si dela Rosa sa Bureau of Corrections kapag tuluyan nang magreretiro ang PNP chief sa ika-56 na kaarawan niya sa Enero 21, 2018.

Inihayag ito ng pangulo sa Christmas party niya kasama ang Malacañang press ngayong Miyerkules.

Nitong linggo lamang ay nabanggit ni dela Rosa ang tungkol sa susunod niyang trabaho na aniya’y marami na ang nabigo.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: