^

Bansa

Bato bibigyan ng puwesto ni Duterte

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit isang buwan bago ang kanyang pagreretiro, inianunsyo kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato “ dela Rosa na bibigyan siya ng puwesto sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunman, tumanggi muna si dela Rosa na ianun- ­syo ang posisyong kanyang hahawakan kapag nagretiro na siya bilang PNP chief.

Si dela Rosa, produkto ng Philippine Military Aca-demy (PMA) Sinagtala Class 1986 ay nakatakda nang magretiro sa Enero 21 ng susunod na taon sa pagsapit nito sa mandatory age retirement sa gulang na 56.

“Sinabihan ako ni Presidente kung ano pupuntahan ko pero napakahirap na trabaho nyan. Everyone failed in that agency. Bahala na kayo mag-isip,” pahayag ni dela Rosa na sinabing matindi ang hamon na kaniyang haharapin sa panibagong puwestong inilaan sa kaniya ni Pangulong Duterte.

“Basta masuhol,” ani dela Rosa kung saan tutuldukan niya ang korapsyon sa ahensya na kanyang hahawakan.

 Sinabi ni dela Rosa na sinabihan siya ni Pangulong Duterte na wakasan ang korapsyon sa nasabing ahensya na malapit na siyang maging susunod na pinuno. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with