^

Bansa

50% discount sa campaign ads aprub na sa Kamara

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lusot na sa ikatlong pagbasa ng Kamara ang panukala na nagtatakda ng 50% diskuwento sa mga partido at kandidato para sa kanilang campaign ads sa dyaryo, radio at telebisyon.

 Layunin ng House Bill 6604 na bigyan ng pantay na oportunidad ang lahat ng kwalipikadong kandidato na makapag-avail ng abot kayang political propaganda. 

Nakasaad pa sa panukala na ipinagbabawal ang paniningil sa media outlet ang mga politiko at partido ng rate na mataas-taas kumpara sa mga regular advertisers.

 Aamyendahan ng panukala ang Fair Elections Act.

 Sa ilalim ng nasabing batas, 30 porsyento lamang ang diskuwento sa campaign ads sa TV,  20 porsyento sa radio at 10 porsyento sa print. 

Ito ay para lamang sa unang tatlong quarter ng taon bago magkaroon ng eleksyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with