^

Bansa

Bilang ng jobless tumaas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tumaas ng bahagya ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ng nagdaang buwan ng Oktubre.

Ito ay batay sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) na isinagawa nitong October 2017.

Ayon sa survey, bahagyang tumaas ng 5 percent ang unemployment rate sa bansa mula 4.7 percent sa parehong buwan ng 2016.

Kasama sa unemployed ang mga tambay at yaong mga taong nagha­hanap pa lamang ng mapapasukang trabaho at mga trabahador na natapos na ang kontrata o end of contract (endo).

Bumaba naman ang underemployment na may 15.9 percent mula sa 18 percent ng kaparehong period ng 2016.

Ang underemployed ay yaong mga taong nagta-trabaho pero sa maikling oras lamang kayat naghahanap sila ng mas mahabang oras na trabaho sa pinapasukang kumpanya.

Kasama sa mga underemployed ay yung may mga sideline na hanapbuhay na nangangailangan pa ng mahabang oras na trabaho para sa mas malaking kita.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with