2018 nat’l budget, TRAIN pipirmahan ni Duterte sa Dis. 19
MANILA, Philippines — Nakatakdang lagdaan ni Pangulong Duterte sa Disyembre 19 ang 2018 national budget na nagkakahalaga ng P3.767 trilyon gayundin ang Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
“The signing of TRAIN has been set on the 19th, together with the 2018 Budget,” ayon kay Budget Sec. Benjamin Diokno.
Ang TRAIN Law ay inaasahang magpapalaki sa take-home pay ng mga empleyado dahil sa pagbaba ng income tax pero mangangahulugan naman ito ng mas mataas na buwis sa fuel, cars, mining at tobacco.
Sa ilalim ng TRAIN, exempted na mula sa tax ang first P250,000 annual income upang tumaas ang take-home pay ng mga empleyado kaya ang kumikita ng P21,000 kada buwan na suweldo ay hindi na kakaltasan ng income tax.
Ang target na pagpapatupad ng TRAIN ay sa Enero 1, 2018 kung saan ay magpapataw naman ng tax sa mga sugar-sweetened drinks pero exempted pa rin sa tax ang mga gatas at kape.
- Latest