^

Bansa

P1M multa sa bus drivers

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
 P1M multa sa bus drivers

Sinabi ni House Me­tro Manila Development Committee chairman Winston Castelo, na isa sa mga dahilan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lansangan ay bunsod sa pagbababa at pagsasakay ng mga bus driver sa “no loading and unloading”. File

Pasaway sa ‘loading, unloading’ ng mga pasahero

MANILA, Philippines — Isinusulong sa Kamara ng isang kongresista na itaas sa P1 milyon ang multa ng mga bus drivers na nagbababa at nagsasakay ng mga pasahero sa hindi tamang lugar.

Sinabi ni House Me­tro Manila Development Committee chairman Winston Castelo, na isa sa mga dahilan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lansangan ay bunsod sa pagbababa at pagsasakay ng mga bus driver sa “no loading and unloading”.

Sa panukala ni Castelo, itataas sa kalaha­ting milyon ang multa ng mga ganitong walang disiplinang bus drivers sa first offense at itataas ito sa P1 milyon para sa second offense.

Kung umulit pa sa pangatlong pagkaka­taon ay kakanselahin na ang prangkisa ng bus.

Sinabi pa ng kongresista na kailangang maturuan ng leksyon ang mga pasaway na bus driver para hindi na lumala pa ang sitwasyon sa lansa­ngan lalo na rito sa Metro Manila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with