^

Bansa

Team ng PNP operatives nakaligtas sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakaligtas sa ambush ang team ng mga operatiba ng pulisya makaraang tambangan ng mga teroristang New People’s Army (NPA) sa kahabaan ng highway sa Barangay Trinidad sa Surigao City, Surigao del Norte kamakalawa ng umaga.

Sa police repot ni P/Supt. Diomedes Cuadra Jr., hepe ng Provincial Public Safety Company ng Surigao del Norte Police, kasalukuyang bumabagtas sa highway ang sasakyan ng mga pulis pabalik sa himpilan nang tambangan ng mga NPA terrorists sa pamumuno ng  alyas Ka Jun.

Sa kabila naman ng sorpresang pag-atake ay gumanti ng putok ang mga pulis habang nakaresponde naman ang kanilang kasamahang pulis sa nasabing bakbakan.

Tumagal ng ilang minuto ang bakbakan bago nagsitakas ang NPA terrorists patungo sa direksyon ng kagubatan.

Samantala, gumamit naman ang PPSC ope­ratives sa pagtukoy sa kinaroroonan ng NPA terrorists kung saan ay muling nagkaputukan ang mga pulis at ang grupo ng NPA.

Agad na nagsitakas ang mga torista sa encounter site bitbit ang mga sugatang kasama.

Samantala, wala namang nasugatan sa pa-nig ng mga pulis habang patuloy ang opensiba laban sa mga teroristang nagsitakas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with