^

Bansa

Pacman, 186 estudyante, reservists magtatapos

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang magtapos ngayong araw ang 187 estudyante at ilang reservists  kabilang si boxing champion at Senador Manny “Pacman” Pacquiao matapos sumailalim sa schooling sa General Command and Staff College sa Camp Aguinaldo.

Sinabi ni Lt. Commander Emerson Na­mo­­ca, spokesman ng Education and Training Command ang mga mag­sisipagtapos na kinabibilangan ng boxing icon ay pawang produkto ng CGSC Class 62.

Ang seremonya ay gaganapin sa AFP Commissioned Officers Club sa Camp Aguinaldo sa ganap na alas-9 ng uma­ga.

Ang mga ito ay pormal na magsisipagtapos matapos sumailalim sa ilang buwang schooling. Alinsunod sa patakaran, ang bawa’t estudyante at mga reservists sa  CGSC ay dumaraan sa anim hanggang walong buwang schooling sa isa sa premyadong ins­titusyon ng militar.

Sa kabuuang 187 magsisipagtapos ay 166 ang mga opisyal ng AFP na sumasalang sa schooling para sa kanilang promosyon at 21 naman ang mga reser-vist kabilang si Pacman.

“After finishing his schooling  at CGSC. He is now eligible for promotion to full Colonel,” ayon sa opisyal na nilinaw na ang liderato ng Philippine Army kung saan reservist si Pacman ang magpro-promote dito pero kailangan pa itong dumaan sa proseso kung saan magsusumite muna ng mga rekisitos ang boxing icon.

Magugunita na si Pacman ay unang puma­sok bilang reservist ng Philippine Army noong Abril 2006 sa ranggong Sergeant sa rekomendasyon ni dating Brig Gen. Alexander Yano.

Anim na buwan ma­ta­pos ay tumanggap muli ng promosyon si Pacman noong Oktubre 2007 bilang Master Sergeant at Senior Master Sergeant noong Mayo 2009 na nangyari sa tuwing magwawagi ito sa kaniyang laban sa boxing arena.

Samantala, noong Set­yembre 2011 ay na-promote naman bilang Lt. Colonel ang pamban­sang kamao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with