^

Bansa

Pizza crew, utas sa saksak

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay sa saksak ang isang pizza crew na plano sanang rumesbak sa nambato sa kanya ng hindi pa nakikilang suspek sa Novaliches, Quezon City, kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ni P/Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang biktima na si Zaldy Balolot Palaca, 28-anyos, binata, ng  Brgy. Gulod, Novaliches ng nasabing lungsod. Siya ay namatay noon din sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan.

Sa inisyal na report ni PO3 George Caculba, ng CIDU-QCPD, ang pananaksak ay naganap dakong ala-1: 25 ng madaling araw sa harap ng Sweet Bheng Bakery na matatagpuan sa   Villa Real St., ng nasabing barangay.

Batay sa pahayag sa pulisya nina Jonnel Lopez at Jordan Banlat, boardmate at kasamahan ng biktima, dumating si Palaca at nagkuwento na may nambato sa kanya sa labas habang papauwi siya ng boarding house.

Dahil sa hindi niya kilala ang nambato ay hinikayat ang dalawa na lumabas para kilalanin ang lalaking nambato sa kanya.

Pero naunang lumabas ang biktima upang resbakan ang nambato sa kanya at ilang minuto ay sumunod na sina Lopez at Jonnel, subalit laking gulat nila nang makitang duguan nang nakabulagta si Palaca.

Agad nagpasaklolo ang dalawang kasamahan ni Palaca sa mga tanod ng barangay na siyang nag-report sa pulisya.

Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na pinamumunuan ni P/ Sr. Insp. Joseph Infante ang nabaling kutsilyo na hinihinalang ginamit sa pananaksak sa biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with