^

Bansa

Jeepney modernization, maraming butas – Poe

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi pa buo at hindi pa rin maayos ang plano para sa Jeepney Modernization Program ng pamahalaan ng nasa 270,000 dyip na pumapasada sa buong bansa.

Ito ang iginiit kahapon ni Senator Grace Poe matapos ang pagdinig ng Senate committee on public services kaugnay sa planong pag-phase out ng mga lumang model ng jeepney upang palitan ng mga makabagong jeep.

“Hindi ko masasabi na buong-buo na at maayos na ang kanilang plano. Talagang marami pang butas na kailangan nilang ayusin. Unang-una yung funding, saan talaga manggaling iyan, yung interes na babayaran sa utang baka naman puwedeng babaan pa,” sabi ni Poe.

Naniniwala si Poe na marami pang konsultasyon ang dapat gawin at posibleng tumagal ng tatlong taon ang gagawing modernization program lalo pa’t hindi naman sapat ang pondo.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang maging moderno na ang mga jeepney na tumatakbo sa mga lansangan pagsapit ng Enero 2018.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with