^

Bansa

Pagbili ng dengue vaccine, matagal pinag-aralan – Garin

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pagbili ng dengue vaccine, matagal pinag-aralan � Garin

Sa pagharap ni Garin sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon, sinabi nito na umaabot sa P16 bilyon ang nagagastos ng gobyerno dahil sa dengue taun-taon. Photo from the Senate of the Philippines Facebook page

MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ni dating Health Secretary Janette Loreto-Garin na nagkaroon ng katiwalian at sabwatan sa pagbili ng dengue vaccines at iginiit na matagal nila itong pinag-aralan.

Sa pagharap ni Garin sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon, sinabi nito na umaabot sa P16 bilyon ang nagagastos ng gobyerno dahil sa dengue taun-taon.

“Since 2010, this has been very intense in the DOH. Ang hirap na isang doktor ka, nasa gobyerno ka at tatanungin ka ng isang nanay, “ang daming nagkakasakit sa dengue, may gamot ba? Wala,” sabi ni Garin.

Sinabi rin ni Garin na ang desisyon sa pagbili ng Dengvaxia ay pinag-aralan ng matagal at pinagplanuhan ng DOH dahil kailangan ito ng publiko.

“Ang desisyon sa pagbili ng Dengvaxia ay resulta ng dekadang pag-aaral at pagplano ng DOH. It is an institutional decision to address the public health need,”sabi ni Garin.

Humarap din sa pagdinig ang isang Iris Alpay na nanay ng isang batang nabakunahan ng Dengvaxia.

Kinuwestiyon ni Alpay kung nakakatulog pa nang mahimbing ang mga opisyal ng gobyerno na nasa likod sa pagbili ng vaccines. Iginiit pa niya sa kasalukuyang administrasyon na gumawa ng paraan para mabawasan ang kanilang pag-aalala para sa kanilang mga anak na nabigyan ng Dengvaxia.

Tiniyak ni Duque na kumuha na ang DOH ng 30 surveillance officers at tinitingnan na rin nila ang kapasidad ng mga regional offices ng DOH.  Mayroon ding kumpletong records ang DOH ng mga nabigyan ng vaccines at magkakaroon sila ng isang master list ng mga nabakunahan.

Naglagay na rin ang DOH ng hotlines para sa Regions 3, 4A at National Capital Region.

Samantala, iprinisinta ni Gordon sa pagdinig ang timeline ng dengue vaccine procurement hanggang sa implementasyon ng bakuna.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with