^

Bansa

Sanofi ginisa sa Senado, inakusahan ng ‘mental dishonesty’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Sanofi ginisa sa Senado, inakusahan ng �mental dishonesty�

Humarap sa Senado kahapon ang mga opisyal ng Sanofi Pasteur na sina (mula kaliwa) Ta-Wen Yu, Saofi Asia Pacific head Thomas Triompe at dating FDA Director General Dr. Kenneth Kartigan sa unang pagdinig ng kontrobersyal na pagkakabili ng  P3.5 bilyong Dengvaxia vaccine kontra dengue mula sa nasabing kumpanya na itinurok sa may mahigit 800,000 batang mag-aaral nang hindi dumadaan sa WHO prequalification requirement. Kuha ni Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Inakusahan kahapon ni Health Secretary Francisco Duque III ng “mental dishonesty” ang Sanofi Pasteur, ang manufacturer ng Dengvaxia vaccine sa unang bugso ng imbestigasyon  kahapon ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon.

Ayon kay Duque, hindi isiniwalat ng Sanofi ang lahat ng impormasyon tungkol sa dengue vaccines na binili ng gobyerno noong nakaraang administrasyon sa halagang P3.5 bilyon.

“I’m accusing you of mental dishonesty. You could have been more forthright and I think they have not been forthright from the very beginning,” pahayag ni Duque.

Sinabi pa ni Duque na hindi naging tapat ang Sanofi Pasteur tungkol sa panganib na maaaring idulot ng bakuna. Hindi umano binanggit ng Sanofi ang grade 3 symptoms.

Matatandaan na nagpalabas ng warning nitong Nobyembre 29 ang Sanofi na base sa kanilang post-trial tests maaaring manganib ang mga pasyenteng nabigyan ng vaccines na hindi pa nagkakaroon ng dengue.

Inihayag din ni Duque sa pagdinig na agad nilang binuo ang executive committee at sinuspinde ang pagbabakuna matapos magpalabas ng warning ang Sanofi.

Nabatid na ang pagbibigay ng Dengvaxia ay nagsimula noong Abril 2016.

Sinabi rin ni Duque na maaari pa ring magkaroon ng dengue ang mga nabigyan na ng bakuna.

Iginiit naman ni Sanofi Asia Pacific Head Thomas Triomphe na humarap sa pagdinig na hindi lamang delikado kung hindi isang reyalidad at endemic ang dengue sa Pilipinas. Gayunman, ligtas at epektibo pa rin aniya ang Dengvaxia vaccines na patuloy umanong ginagamit ng 11 bansa.

Iginiit din ni Triomphe na wala silang nakikitang ka­­pa­bayaan sa kanilang kumpanya at agad din nilang ipinaalam sa mga national regulatory agencies nang malaman ang posibleng “adverse events” ng vaccines.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with