PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Hong Kong trip ni Jinggoy OK sa Sandigan

MANILA, Philippines — Nakatanggap ng maagang pamasko si dating Sen. Jinggoy Estrada matapos aprubahan ng korte ang kaniyang hirit na makalabas ng bansa sa pagsasara ng taong 2017.

Hinayaan ng Sandiganbayan Fifth Division si Estrada na makapunta ng Hong Kong mula Disyembre 26 hanggang 31 kasama ang kaniyang pamilya upang makapagbakasyon.

“I am very very thankful and grateful to the members of the court for granting my Christmas vacation with my family. This means a lot to my family, especially to my children... This is the first time that I'll be with them abroad,” pahayag ni Estrada matapos ang pagdinig ngayong Lunes.

BASAHIN: Jinggoy humirit ng Hong Kong vacation

Pumayag ang korte na makalabas ng bansa si Estrada sa kabila ng matinding pagkontra ng prosecution team ng Office of the Ombudsman.

Pansamantalang nakalaya si Estrada matapos makapagpiyansa para sa kasong graft kaugnay ng umano’y maanomalyang paggamit ng kaniyang Priority Development Assistance Fund.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Umabot umano sa P183-milyon na pondo ang inilagak niya sa mga pekeng non-government organizations ng tinaguriang utak ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: