^

Bansa

Sen. Gordon at PRC, pinarangalan dahil sa Marawi

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binigyan ng parangal at pagkilala ng Lanao Del Sur provincial government si Senator Richard J. Gordon, chairman at chief executive officer ng Philippine Red Cross (PRC) dahil sa pagtugon at pagkakaloob ng tulong sa mga pamilyang apektado ng Marawi crisis.

Ayon sa Lanao Del Sur provincial government, isa si Gordon at ang PRC sa mga unang nagkaloob ng humanitarian assistance sa mga taga-Marawi nang sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng tero­ristang Maute-ISIS at ng tropa ng pamahalaan.

Sa kanyang panig, sinaluduhan naman ni Gordon ang mga volunteers ng PRC dahil sa kawalan ng kapaguran at dedikasyon sa pagtulong sa mga taong nangangailangan.

“This is for all our volunteers who worked tirelessly day and night to uplift dignity and alleviate human suffering of our Muslim brothers and sisters. Such heroic acts prove that we are not separated by religion. We are one Filipino people, one Philippines,” ani Gordon nang tanggapin ang plake ng pagkilala sa simpleng seremonya sa Marawi City Capitol.

Nabatid na nang sumiklab ang giyera sa Marawi noong Mayo 23, 2017, kaagad na tinipon ni Gordon ang mga staff at volunteers ng PRC mula sa mga malalapit na chapter ng Iligan, Cagayan de Oro at Marawi City, at ipinadala sa lugar upang magkaloob ng emergency relief goods tulad ng tubig at pagkain sa mga biktima.

Sa Marawi chapter pa lamang umano ay nakapag-mobilize na sila ng 200 volunteers sa kanilang relief at emergency response.

Dumalo rin naman sa naturang recognition cere­mony ang International Federation of Red Cross at Red Crescent Societies Head of Country Office na si Chris Staines, IFRC Operations and Programmes Manager Patrick Elliot, Qatar Red Crescent Society Head of Delegation Abdel Mumim, at International Committee of the Red Cross Deputy Head of Delegation Martin Thalman.

Sa kasalukuyan, nabatid na nakapagbigay na ang PRC ng hot meals sa may 6,192 indibidwal at nakapagpamahagi ng 12,959,300 milyong litro ng tubig sa may 214,504 katao na apektado ng krisis.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with