^

Bansa

Tomador inutas dahil sa pambayad sa alak

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napatay ang 29-anyos na tomador matapos itong pagsasaksakin ng kanyang kainuman dahil lamang sa alitan sa pagbabayad ng bill sa kanilang ininom na alak sa KTV bar sa Barangay Rosario, Pasig City kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Lhou Jhims Martin habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Loyd Recaido, 35, kapwa residente sa nasa­bing barangay.

Batay sa ulat ng pulisya, na nakarating kay Eastern Police District Director P/Chief Supt. Romulo Sapitula, naitala ang krimen dakong alas-10:30 ng gabi kung saan nagkayayaan mag-inuman ang biktima at suspek at isa pa nilang kaibigang si Nelson Babor sa Jaded KTV Bar.

Nang makaubos ng ilang bote ng alak, umalis na sina Recaido at Babor saka iniwan ang biktima sa  KTV bar nang hindi pa nagbabayad ng bill.

Ikinagalit naman ito ng biktima at paglabas ng KTV bar ay kinompronta si Babor na nauwi sa mainitang pagtatalo at suntukan.

Sa kasagsagan ng suntukan ay dumating ang suspek saka pinagsasaksak ang biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with