^

Bansa

2 holdaper na gumagala natimbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala ang pulis­ya sa publiko na umuuwi ng sobrang gabi dahil sa mga Christmas party na mag-ingat sa mga kawatan na nagkalat ngayon makaraang isang holda­per ang nadakip matapos na mambiktima ng isang babae na galing sa kasayahan kamakalawa ng gabi sa Pasay City ha­bang isa pa ang nadakip sa hiwalay na insidente sa Caloocan City.

Nahaharap ngayon sa kasong robbery-hold up ang suspek na si Benjamin Tong­co, 40-anyos, mi­yembro ng Sputnik street gang at naninirahan sa Tramo, Pa­say City.

Sa inisyal na ulat ng Pasay City Police, mag-isang sakay ng pam­pa­sa­herong jeepney da­kong alas-11 ng gabi ang bik­­ti­mang nagpatago sa pa­­ngalang “Lyn” nang sumakay ang suspek sa may Aurora Boulevard sa naturang lungsod. Agad siyang tinutukan ng patalim ng suspek at hinablot ang kanyang bag.

Mabilis namang nakahingi ng tulong sa mga nagpapatrulyang bara-ngay tanod ang biktima na humabol sa suspek sanhi para mahuli siya. Narekober sa suspek ang bag ngunit nawawala na ang P3,000 pera na napanalunan ng biktima sa raffle.

Samantala, nadakip sa Caloocan City ang holdaper na nambiktima naman ng babae na kaga­galing lang sa check-up sa ospital. Nakila­la ang naarestong suspek na si Jomarie Lascano, ng Potrero, Malabon City.

Naglalakad ang biktimang si Mary Anne Ma­­guit, 22, sa tapat ng BMC Public Market sa may Monumento, Caloo­can dakong alas-8 ng gabi para bumili ng gamot nang dikitan siya ng suspek at tutukan ng patalim. Dito sapilitang hinablot ng suspek ang bag ng biktima at nagtatakbo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with