^

Bansa

Curfew ordinance, ihahabol sa Simbang Gabi

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posibleng maihabol ang pagpasa ng bagong ordinansa sa curfew sa Navotas City sa Simbang Gabi na una nang ibina-sura ng Korte Suprema dahil sa mga paglabag sa karapatang-pantao ng mga menor-de-edad.

Sinabi ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco na for signature ang bagong ordinansa na pinanukala ni Konsehal EJ Arriola at inaasahang maipalalathala na ngayong ikalawang linggo ng Disyembre. 

“The draft ordinance has undergone changes based on the inputs from various sectors. Maka­kaasa kayo na sa­kaling matapos na ito ay agad nating ipatutupad sa lungsod,” ayon kay Tiangco.

Una nang ibinasura ng Korte Suprema noong Agosto 2017 ang ordi-nansa ng Navotas City kasama ang lungsod ng Maynila makaraan ang petisyon ng kabataang grupong Spark. 

Inireklamo ng Spark ang mga nakasaad na panuntunan sa mga ordinansa na napakahigpit at sumisikil sa mga isinasaad ng Juvenile Justice and Welfare Act.

Sinasakal rin umano nito ang mga panguna-hing karapatan ng mga kabataan kabilang ang karapatan sa pagsali sa mga organisasyon, karapatan sa relihiyon, pag-oorganisa at karapatang magpahayag.

Matapos na ibasura ang ordinansa, umakyat naman ang insidente ng karahasan katulad ng mga rambol sa Navo­tas na sangkot ang mga kabataan na nasa kalsada pa kahit dis-oras ng gabi.

 May ulat naman na inihawig na lamang ng Navotas City Council ng bago nilang ordinansa sa ipinatutupad ng Quezon City na pumasa sa pamantayan ng Korte Suprema.  Kabilang rin dito ang pagpapatupad ng mas mabigat na parusa sa mga magulang o guardian ng mga ka­bataan na mahuhuling lumalabag sa ordinansa.

Inaasahan na ipagbabawal sa kalsada ang mga kabataang may edad 17-pababa mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw. Maaari namang makalusot dito ang mga kabataan na dumadalo sa mga aktibidad sa paaa-ralan o relihiyon, du­mada­lo sa mga party o ibang se­le­brasyon na may kasa­mang nakatatanda.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with