^

Bansa

Mason nagselos sa panliligaw sa 76-anyos lola, inutas ng mag-utol

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang 50-anyos na mason nang pagtu­lungang bugbugin, ha­tawin at saksakin ng mag­kapa­tid na kasamahang construction worker dahil sa pagseselos nito sa karelasyong 76-anyos na lola sa Baseco, Port Area, May­nila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang kinilalang si Leon Gammad, ng No, 104 Block 17-A, Barangay 649, Baseco, Port Area, Maynila dahil sa tinamong mga saksak sa katawan.

Tinutugis naman ang mga suspek na sina Do-minador Pajanustan alyas “Kabayan” at nakababa-tang kapatid na si alyas “Payat” Pajanustan, mga mason at residente ng Baseco.

Sa ulat ni PO3 Ryan Jay Balagtas ng Manila Police District-Homicide Section,  dakong alas-9:45 ng gabi nitong Sabado habang nag-iinuman ang biktima, isang Victor Lla­guno, 40, nangungu­pa­han sa bahay ni Violeta; suspek na si Payat at isang alyas “Muslim” sa tindahan ng isang Violeta Dela Rosa, 76 anyos, sa Block 18, Brgy. 649, Zone 66, 2nd Street, Tacoma Compound, Baseco, Port Area nang magkagulo dahil lang sa pag-uurot at pambibisto sa relasyon sa naturang lola.

Sinabi ni Llaguno na may relasyon sina Gammad at Violeta at nag-away umano ang dalawa dahil sa selos kay Payat na sinasabing nanliligaw din kay Violeta.

Dito nauwi sa pagtatalo ng biktima at suspek na si Payat ang nasa-bing isyu kaya nagpaalam umano ang huli at nang bumalik ay kasama na niya ang kanyang kuya na si Kabayan. Agad nilang pinagtulungang bugbugin, hatawin ng kahoy at bote sa ulo ang biktima at saka pinagsasaksak, bago sila tumakas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with