^

Bansa

Nielsen survey: PS NGAYON nangunguna sa Mega Manila

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nangunguna ang Pilipino Star NGAYON sa binabasang tabloid sa Mega Manila at Luzon, base sa pinakahuling survey ng The Nielsen Co. Consumer and Media View.

Ang nabanggit na survey ay malayang ginawa ng Nielsen at hindi kinomisyon ng PhilSTAR Media Group.

Nahigitan nito ang iba pang kilalang tabloid sa Mega Manila katulad ng Bulgar at Abante.

Sa nabanggit ding survey ay naungusan din ng sister publication ng PS NGAYON, ang Philippine Star bilang panguna­hing binabasang broadsheet sa National Capital Region (NCR) ang mga close competitor nitong Philippine Daily Inquirer at Manila Bulletin.

Maging ang philstar.com ay lumilitaw din na paboritong basahin ng mga on-line readers, sang-­ayon sa survey ng Nielsen.

Sa nakalipas na mga taon, hindi man nanguna sa survey ng Nielsen and PS NGAYON, ito naman ay nanguna batay sa sales record ng mga news dealers sa buong bansa.

Ito ay pruweba ng tiwala at walang-sawang pagtangkilik ng mara­ming mamamayang Pilipino sa Pilipino Star NGAYON.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with